Friday, December 13, 2024
Breaking News
Home » General » Bakit dumadami ang matataba sa Pilipinas?

Bakit dumadami ang matataba sa Pilipinas?

Sa kabila ng kaliwa’t kanang pa-Zumba at panghihimok na mag-diyeta, lumabas sa isang pag-aaral na lumolobo ang bilang ng mga overweight na Pilipino.

Ayon kay Supervising Science research specialist Adrienne Constantino ng Food and Nutrition Research Institution (FNRI), dumarami ang bilang ng mga obese sa bansa mula sa preschool children hanggang sa matatanda. “Halos lahat ng population group mapa-children ka or adult ka, talagang dumadami, tumataas lahat ng overweight.”

Mga sanhi ng obesity

Ani Constantino, ang kakulangan ng pisikal na aktibidad ang pangunahing sanhi ng pagiging sobrang taba. Sa kanilang pag-aaral, 93-porsyento ng mga Pilipino ang walang physical activity.

Anya, lahat ng pagkain ay may ibinibigay na calories subalit hindi lahat ito ay nakokonsumo. Tumataba ang isang tao kapag naiipon ang mga hindi natutunaw na calories sa katawan.

Maaari din anyang magdulot ng obesity ang pagiging underactive na thyroid gland dahil kasabay nitong bumabagal ang metabolismo.

Isang paktor din anya ang lifestyle ng pamilya. Maaari kasing nakasanayan lang ang pagkain ng marami.

Babala sa mga overweight

Babala ni Constantino, mayroong mga sakit na kaakibat ang obesity. Ilan na rito ang lifestyle-related diseases na diabetes, heart failure, at high blood pressure. Anya, kapag sobra ang kinain, hindi kayang gampanan ng katawan ang mga prosesong dapat nitong gampanan. Paalala niya, kapag nabusog na, huminto na.

Upang malaman kung nasa tamang timbang, maaari anyang sumangguni sa Philippine Dietary Reference Intakes (PDRI). Dito nakasaad ang inirerekomendang taas at timbang para sa bawat population group. Mayroon anyang bagong labas na PDRI para sa taong ito at maaaring bumisita sa kanilang tanggapan ang mga interesadong magpakonsulta.

 

Source: Abs-Cbn News

Check Also

Where to check your voter’s registration?

COMELEC (Commision On Election) developed an application to be used by  OFWs and Seafarers to ...