Hindi talaga natin maiiwasan ang magmahal ng sobra, yun parang buong pagkatao mo ay ibibigay mo para lang mapasaya ang taong mahal mo. Sa love walang pili kung mataba, payat, matangad, maliit, mahirap o mayaman kung ikaw ay tinamaan sa pana ni cupido hindi na mata ang naka-control kundi ang puso na.
Kapag sobra kang magmahal sobra kading masasaktan para bang pasan mo lahat ng problema at hinanakit sa mundo. Hindi mo alam kung anong gagawin dahil ang nasa isip mo lang ang sakit at pighati sa mga nangyari sayo. Marami ang nagpapakamat dahil hindi matangap na sa hiwalayan nagtapos lahat. Ang iba naman ay broken-hearted dahil pinaasa. Naranasan mo naba to?
Paano kaya makalimot? Sana kasingdali lang ang paglimot at ang pagkahulog ng feelings.
Paano mag move-on?
1. Pray
Kausapin mo si God sa lahat-lahat, kahit hindi mo Siya nakikita mararamdaman mo na parang katabi mo siya at kinakausap ka Niya ng masinsisnan. Sabihin mo lahat ang kirot at sakit na dinasanas mo ngayon sa taong nang-iwan at nagpaasa sayo upang maibsan ang bigat ng damdamin. Humingi ka ng lakas na loob para malampasan at makayanan mo and pinagdadaan mo ngayon. Dahil kahit kailan man hindi Niya tayo binibigo,tandaan mo yan.
2. Cry
Wag mong pigilan ang luha mo. Let it be. Minsan sa sobrang sakit masarap nalang umiyak ng umiyak. Hindi naman masamang umiyak nakakagaan ito ng feelings, kahit lalaki kaman ayos lang at-least mababawasan ang sakit sa puso mo.
3. Make Yourself Busy
Maghanap ka ng bagay na bago sayo para maging libangan mo. Para naman hinid ka palaging nakasocus sa break-uo ng ex mo.
4. Forget the Past
Burahin mo lahat ng messages, chat,pictures at itapon mo ang lahat ng bagay na binigay nya sayo. Mas better na wala kang makikita na kahit ano na galing sa kanya para unti-unti mong matatangap na magiging “okay” ka kahit wala na siya.
5. Travel with Friends
Puntahan mo ang lugar na matagal mo ng gustong bisitahin. Syempre isama mo friends mo para good vibes lang ang mangingibabaw. Napaka effective na part nato dahil mas apapaw ang adventure at excitement. Walang bad vibes puro tawanan lang.
6. Love Yourself
Take good care of yourself, like go to shopping, get a new hairstyle and fashion, treat yourself & sleep and eat a lot. This time you need to know yourself more.
Hindi man madaling gawin ito lahat pero kung you do this step by step, I know this will help a lot to fix your broken heart.